Ang sakit sakit ng ulo ko ngayon. Hindi dahil sa trabaho o sa gutom. Dahil sa nahihirapan na ako sa pagpili kung sino ang aking bobotohin sa darating na eleksyon ngayong Mayo. ‘Langya kasi halos lahat ng mga kandidato ay parang magagaling. Parang!
Kaya ang ginawa ko naghanap ako ng online poll sa internet at meron naman akong nakita. Nandoon sa Sikat Ang Pinoy na balitang website. Ang tanong ng poll e: Sino daw ang bobotohin ng Pinoy na Presidente? Ngayon kokonti pa lang ang lumalahok sa nasabing survey kung kaya’t babalikan ko yon at aamuyin ko kung sino ang gusto ng mga tao at baka makapagdesisyon na rin ako.
Hay nako, umpisa na ng kampanya at siguradong dudumi na naman ang daanan sa mga poster at banner ng mga kandidato. Tsk sana magbago na ang bansa at maging maayos ang lahat pagkatapos na mapalitan ang mga opisyal.
Grabe talaga tong batang-batang pinoy na GM na si Wesley So! Hamakin mo ba namang katatapos lamang niyang maglaro sa nakaraang Corus 2010 chess tournament e, lalaban na naman siya sa Aeroflot 2010 sa Russia. Mantakin mo nga naman ang sipag ng batang ito na sumikat ng husto sa larangan ng ahedres o chess pagkatapos niyang patumbahin ang mga super star na chess mula sa iba’t ibang bansa.
Talaga namang kahanga hanga ang pinoy na’to na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga manlalaro ng Pilipinas. Sana nga ay palarin ka at maging bahagi ng kasaysayan na kauna-unahang pinoy na super GM, isang titulo na wala pa ni isa sa mga pinoy na chess player na nakamit. Mabuhay ka So!
Sayang at hindi naipagtanggol ni Brian Viloria ang kanyang titulo sa IBF light flyweight division pagkatapos siyang tumiklop sa pinakahuling round ng kanyang laban kahapon kay Carlos Tamara. Sayang kasi halos lahat ng round ay sa kanya at kung nakuha niya lamang na matapos ang round ay maaring mag-draw sila subalit talagang puspos ang ginawang suntok ng kanyang kalaban.
Ito ay malaking kabiguan sa RP boxing subalit hindi ito dahilan upang mawalan ng pag-asa ang bansa na bumawi sa susunod niyang laban. Sa kabila ng kanyang kasawian ay wagi naman ang mga undercard na pinoy na lumaban din ng araw ding yon. Wag kang manghina at manglumo Viloria, may iba pang pagkakataon at kaya mong ibangon ang lahing Pinoy. Maging sikat ang pinoy sa darating na panahon at bigyang katuparan ang bawat pangarap ng Filipinong manlalaro sa bansa.
Mabuhay ang mga boksingerong pinoy mula sa SikatAngPinoy.i.ph.
Noong nakaraang araw ay nag-apply ako additional restrictions ng lisensya sa LTO at ikalawang pagkakataon ko na’to na dumaan sa proseso ng LTO at sa laking gulat ko ay malaki na ang pagbabago nito. Noong una kasi e, kitang kita ang pagkawalan ng order ng pagkuha o pag-renew ng lisensya. Mabagal pa at matagal. Hindi katulad ngayon, ang bilis lang. Kay dali lamang makuha ang plastic na driver’s license - instant! Hindi katulad noong nakaraan na halos anim na buwan o mahigit pa bago makuha ang lisensya.
Kung kaya saludo ako sa LTO dito sa amin, bilang isang pinoy na naghahangad ng kaginhawahan sa proseso, talagang hanga ako. Subalit hindi pa rin nawawala ang mga kokonting diperensya na nakita ko. Maari pa namang ma-aksyonan ng kinauukulan na’to at sana ay maging mas maayos pa ang kanilang serbisyo.
Mabuhay ka at bilang taga-sikat ang pinoy, ipagdadasal ko ang pagsasaayos pa ng mabuti ng LTO.