Malapit na Ang Pinoy Power 3! Ito ang nabasa ko sa Sikat Ang Pinoy latest sports news. Ang ikatlong bahagi ng boxing showdown ng pinoy laban sa mga boksingero ng ibang bansa katulad ng Mexico at Puerto Rico. Ang laban ay pangungunahan ng pinoy na kampeon na si Nonito Donaire Jr. at Gerson Guerrero ng Mexico na kung saan ay gaganapin sa Las Vegas sa Pebrero 13 (katorse sa Pilipinas). Ang nasabing laban ay gaganapin bilang pagdepensa ni Donaire sa kanyang titulo na WBA (World Boxing Association) interim super flyweight champion.
Samantala, tatlo pa sa mga pinoy ang magpapakitang gilas. Sila sina Bernabe Concepcion na lalaban kay Mario Santiago ng Puerto Rico, ang beteranong Filipinong kampeon na si Gerry PeƱalosa ay susubok maqualify para sa bantamweight title laban kay Eric Morel ng Puerto Rico at si Ciso Morales laban kay Eric Montiel ng Mexico.
Siguradong umaatikabong bakbakan na naman ito ng mga mahuhusay na manlalaban ng mundo. Panonoorin ko ‘to sigurado sa tingin ko mas hihigitan pa ng Pinoy Power 3 ang nakaraan boxing event na’to at talagang sisikat ang pinoy nito ng husto.