January 3, 2010
Sino-sino ba ang maituturing mong mga bayaning pinoy ngayon na nagbigay kulay at kasikatan sa bansang Pilipinas? Ito ang mga ilan sa mga sikat na pinoy sa iba’t-ibang larangan:
- Efren PeƱaflorida - a kariton teacher na nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino sa larangan ng edukasyon at kabayanihan. Siya ang kauna-unahang tao sa buong mundo na bukod tanging pinarangalan bilang CNN Hero of the Year.
- Manny “Pacman” Pacquiao - a boksingerong patuloy na nagbibigay karangalan sa Pilipinas at nanalong ng pitong boxing title na kauna-unahan sa buong Asya.
- Charice Pempengco - ang international na mang-aawit na patuloy na namamayagpag sa buong mundo dahil sa kanyang bukod tanging talento sa pag-awit.
- Muelmar Magallanes - ang bayaning pinoy na nakapagligtas ng higit sa 30 katao ng panahong ng bagyong Ondoy kahit na ang naging kapalit nito ay ang kanyang buhay.
Ilan lamang ito sa mga bayaning pinoy. Ikaw sino ang maituturing mong bayaning Pilipino?
Ang sumusunod na video ay naglalaman ng mga pangalan at larawan ng mga sikat na pinoy sa pinas: