Ang sikat na Cebu inmates dancer nagpakitang gilas ulit ng bumisita ang naging choreographer ni Michael Jackson sa Cebu. Tumigil ng dalawang araw si Travis Payne at tinuruan ang mga preso ng sayaw na kung saan ay ipi-feature sa DVD release ng film na “This Is It”. Eto ang nasabing video:
Talaga namang nakakabilib ang mga bilanggong ito at siguradong isang napakabisang paraan para magbagong buhay sila. Siguradong lalaganap at sisikat ang video namang ito.
Update: Ngayon nga ay sobra isang milyon na ang nanood ng nasabing video. Talagang iba si MJ at sikat ang pinoy.
Sayang at hindi naipagtanggol ni Brian Viloria ang kanyang titulo sa IBF light flyweight division pagkatapos siyang tumiklop sa pinakahuling round ng kanyang laban kahapon kay Carlos Tamara. Sayang kasi halos lahat ng round ay sa kanya at kung nakuha niya lamang na matapos ang round ay maaring mag-draw sila subalit talagang puspos ang ginawang suntok ng kanyang kalaban.
Ito ay malaking kabiguan sa RP boxing subalit hindi ito dahilan upang mawalan ng pag-asa ang bansa na bumawi sa susunod niyang laban. Sa kabila ng kanyang kasawian ay wagi naman ang mga undercard na pinoy na lumaban din ng araw ding yon. Wag kang manghina at manglumo Viloria, may iba pang pagkakataon at kaya mong ibangon ang lahing Pinoy. Maging sikat ang pinoy sa darating na panahon at bigyang katuparan ang bawat pangarap ng Filipinong manlalaro sa bansa.
Mabuhay ang mga boksingerong pinoy mula sa SikatAngPinoy.i.ph.
Dahil sa kaduwagan at kawalang kakayahang mapatunayan ang kanyang kagalingan sa boksing, si Floyd Mayweather Jr. ay hindi na lalaban kay Manny Pacquiao sa halip ang huli ay nakakita na ng bagong katunggali sa katauhan ni Joshua Clottey. Ang nasabing laban ay tinaguriang “The Event” at gaganapin sa ika-13 ng Marso sa Cowboys Stadium sa Texas. Ang sikat na pinoy na to na si Manny Pacquiao ay ganon pa rin ang ugali na may mababang loob sa kabila ng mga insulto niyang natamo sa mga mag-amang Mayweather. At dahil dito ay mas nadagdagan pa ang paghanga ng mga nakakarami sa kampeon at mas marami namang nainis sa Mayweather na matatas ang bunganga.
Pacquiao kahanga-hanga ka at kami dito sa sikat ang pinoy blog ay naniniwala sa iyong kakayahan at siguradong tatalunin mo si Joshua Clottey. Kung maari nga lamang na pagsabayin mo na ring labanan ang magtatay na Mayweather at patumbahin ay siguradong marami ang papalakpak
Mabuhay ka Pacman!
Noong nakaraang araw ay nag-apply ako additional restrictions ng lisensya sa LTO at ikalawang pagkakataon ko na’to na dumaan sa proseso ng LTO at sa laking gulat ko ay malaki na ang pagbabago nito. Noong una kasi e, kitang kita ang pagkawalan ng order ng pagkuha o pag-renew ng lisensya. Mabagal pa at matagal. Hindi katulad ngayon, ang bilis lang. Kay dali lamang makuha ang plastic na driver’s license - instant! Hindi katulad noong nakaraan na halos anim na buwan o mahigit pa bago makuha ang lisensya.
Kung kaya saludo ako sa LTO dito sa amin, bilang isang pinoy na naghahangad ng kaginhawahan sa proseso, talagang hanga ako. Subalit hindi pa rin nawawala ang mga kokonting diperensya na nakita ko. Maari pa namang ma-aksyonan ng kinauukulan na’to at sana ay maging mas maayos pa ang kanilang serbisyo.
Mabuhay ka at bilang taga-sikat ang pinoy, ipagdadasal ko ang pagsasaayos pa ng mabuti ng LTO.
Kilala sa ibang bansa ang Pinas sa pagiging isang agricultural country. Minsan ngang nabilang tayo sa mga nangungunang nagpapalabas ng bigas sa asya (noong hindi pa tayo ang number one na importer ng bigas.) Ngayon naman ay iba naman ang kinawiwilihan ng maraming kabataan (maging matatanda) sa pagsasaka at ito ay ang larong “Farmville” sa Facebook. Oo ito ay makabagong paglalaro na kung saan ay nagsasaka ka para tumaas ang antas ng pamumuhay ng character sa laro. Maraming mga pinoy ngayon ay sadyang nawiwili at nahuhumaling sa ganitong laro.
Ipinagmamalaki pa nga nila ang napakalaking villa o bahay na nagawa nila dahil sa pagsasaka nila online. At tanong lang ay kung pwede itong i-convert sa pera. Ang sagot, HINDI! Gastos to pero ang katwiran ng iba ay hobby lang. Hobby ba pinoy ang tawag kung ang paglalaro ay halos isang araw na walang tigil at kinakalimutan na ang totoong trabaho? Sa tingin ko HINDI!
Hay naku, bahala na nga kayong maghusga mga Pinoy kong mambabasa.
Sino-sino ba ang maituturing mong mga bayaning pinoy ngayon na nagbigay kulay at kasikatan sa bansang Pilipinas? Ito ang mga ilan sa mga sikat na pinoy sa iba’t-ibang larangan:
Ilan lamang ito sa mga bayaning pinoy. Ikaw sino ang maituturing mong bayaning Pilipino?
Ang sumusunod na video ay naglalaman ng mga pangalan at larawan ng mga sikat na pinoy sa pinas: