Araw ng isang bukod tanging kapita-pitagang bayani ng Pilipinas ngayon. Kaarawan ni Andres Bonifacio at paano ang mga Filipino nagdidiwang sa araw na ito? Meron kang makikitang nagmamartsa papuntang Mendiola at ang iba nakalimutan na ba ang pinaglaban ni Bonifacio? Ako, kung minsan nawawalan na ng pag-asa sa kahihinatnan ng ating bansa. Lugmok na tayo sa kahihiyan at kahirapan ng dahil sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Subalit iniisip ko pa rin ang mga pinaglaban ng mga bayani ‘nung una. Hindi sila nawalan ng pag-asa, datapuwat nagbigay pa sila ng inspirasyon at inialay ang kanilang buhay para sa kasarinlan ng bansa.
Kung kaya naisip ko na bumuo ng isang lugar sa internet para maipahayag ko ang akong damdamin sa buong mundo. Nais kung marinig ang aking tinig mula sa aking kina-uupuan ngayon. At ang isa pa ay nais ko ding ipangalandakan sa buong mundo kung paano lumaban ang mga Filipino sa paghihirap at problema. Ibibilang ko din dito ang mga ilang personalidad na nagbibigay pag-asa, karangalan at ginhawa sa mga Pinoy. Kaya ako’y inyong samahang bigyang pugay at patunayang maaring maging sikat ang pinoy.
Mabuhay tayong lahat!